Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging mga larawan ni Miss Mela Habijan kung saan makikita ang ilang screenshots na may nilalaman na mensahe umano mula sa opisina ni Senador Joel Villanueva para sa mga pastor.

Isang parte pa sa mensahe ang nakalagay ay “Pastors hihiling po kami ng urgent help ninyo para labanan ang SOGIE today.”

Bukod sa mensahe na ito, may nakalagay pa na deadline.

Sa huling larawan, makikita na nakalagay dito ang email umano ni Sen. Villanueva kung saan maaaring ipasa ng mga pastor ang pagtutol.

Ayon sa nag-post na si Miss Mela, natanggap niya umano ang screenshot ng mga mensahe.

“I received a screenshot of a message, ALLEGEDLY sent by the Office of Sen. Joel Villanueva. They are instructing Pastors to send their office an email expressing their opposition to SOGIE Equality Bill.”

Dagdag pa ni Miss Mela, isa umano itong paraan ng “pagdelay at paglusaw nito,”.

“Kung may katotohanan man ang planong ito, ito ay malinaw na pagdelay at paglusaw nito.”

Sa huling parte ng post nito sa social media, nagbigay din ito ng matapang na mensahe kay Sen. Villanueva.

“At kay Sen. Villanueva, masakit ang palagian ninyong pagtutol sa SOGIE Equality Bill. Sampu ng iyong ama, sinasangkalan ninyo ang relihiyon para kamuhian, pandirihan, at isadlak sa diskriminasyon ang LGBTQIA+ community.”

(CS)

The post Maitim na balak? Kampo ni Sen. Villanueva humiling umano sa mga pastor na labanan ang SOGIE Bill first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT