Naghain ng panukala ang Makabayan bloc upang magkaroon ng Magna Carta for Air Passenger Rights.

Layunin ng Magna Carta (House Bill 6738) na palitan ang kasalukuyang ginagamit na Department of Transportation-Department of Trade and Industry Joint Administrative Order 01-2012.

Sa ilalim ng panukala, kabilang sa magiging karapatan ng pasahero ay ang:

– masabihan ng totoo at tamang impormasyon kaugnay ng biyahe

– makatanggap ng angkop na serbisyo sa kanyang ibinayad

– mabigyan ng 20% diskwento kung ang pasahero ay senior citizens, persons with disabilities, at students

– makatanggap ng refund

– kanselahin ang biyahe mahigit 24-oras bago ang departure

– mag-rebook ng biyahe

– maproseso para sa check-in at makasakay ng eruplano maliban kung mayroong legal na hadlang dito

– magkaroon ng pantay na karapatan gaya ng ibang pasahero

– irespeto

– magkaroon ng seguridad at proteksyon

– makakuha ng serbisyo kung mayroong emergency

– makakuha ng kaukulang kompensasyon o libreng serbisyo kapag na-delay o nakansela ang biyahe, o nawala o nasira ang dalang bagahe ng pasahero.

May kaparehong panukala na inihain ang mga militanteng kongresista sa nakalipas na Kongreso subalit hindi ito naisabatas. (Billy Begas)

The post Makabayan bloc itinulak Magna Carta for Air Passenger Rights first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT