Sa panayam ng Politiko kay dating Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol, naniniwala siya umano na may kartel na mga politiko rin.
Nang tanungin kung may mga nasa posisyon na sangkot sa kartel, sinabi niyang mayroon daw.
“Oo naman. Kahit walang pruweba directly, hindi po pwede banggitin ang pangalan,” saad ni Piñol.
Nabanggit din niya na alam niya kung sinu-sino ang malalaking importer ng bigas sa bansa.
“The problem is here is that when the legislators or policy makers get involved in this kind of business, they will protect their interest, not the people’s interest, but their interest,” pahayag ni Piñol.
Nabanggit din niya ang problema umano sa mga pinoy ay tumatanggap ng suhol kada eleksyon at hindi na tinitingnan ang intensyon ng mga tumatakbong pulitiko.
(Jan Terence)
The post Manny Piñol, naniniwalang may mga politikong sangkot sa kartel first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento