Sinagot na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kritisismo sa kanya kung bakit marami siyang kasama sa Davos, Switzerland.

Sa opisyal na delegasyon, kasama umano niya ang Cabinet secretaries, Speaker, at kanyang support staff.

“Nakita naman niyo ‘yung eroplano, walang laman halos eh because we didn’t fill it up. We don’t have that many people — that the government is paying for,” anang Pangulo.

“With regards to the plane, kahit naman ilan ang isakay mo dyan, pareho lang ibabayad mo. So it doesn’t make any difference kung how many people came on,” dagdag pa niya.

Depensa ni Marcos, kinumpleto niya umano ang mga taong dapat sumama dahil minsan lang mangyari ang pagpupulong na iyon.

“We try to be complete. When is the next chance we will get to speak to CEOs of top Fortune 100 companies in the period of two days? So whoever we get to talk to kailangan nandoon ‘yung Secretary na pwede niyang sagutin, pwede niyang kausapin.”

The post Marcos, dinipensahan bilang ng mga taong sumama sa kanya sa Switzerland first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT