Kasalukuyang idinadaing ng mga magsasaka sa Occidental Mindoro ang pagkabulok ng kanilang inaning sibuyas dahil umano sa kakulangan ng cold storage facility.

Ayon sa isang ulat, isinusulong na rin ngayon ang teknolohiyang may kinalaman sa pag-iimbak ng ani na hindi gumagamit ng kuryente.

Malaking tulong ang investment sa mga ganitong teknolohiya para sa mga magsasaka at sa kanilang inaaning nga produkto.

Sinabi naman ng Municipal agriculturist na si Romel Calingasan na ibenenta na lang umano nila ang kanilang mga sibuyas sa mababang halaga dahil sa pagkabulok nito.

“Kaya talaga po ganun na lang talaga kadismaya ng mga magsasaka sa amin pong lalawigan partikular sa San Jose, Occidental Mindoro dahil sobrang taas po ang naging presyo ng sibuyas. Sobrang pinagsamantalahan po ang presyo ng sibuyas,” pahayag ni Calingasan.

(Jan Terence)

The post Mga magsasaka sa Occidental Mindoro, dinaing pagkabulok ng inaning sibuyas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT