Nagtipon ang mga magsasaka at agrarian reform advocates na pinangunahan ng Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan upang manawagan ng hustisya ngayong ika-36 taon simula nang mangyari ang Mendiola Massacre.

“We are enraged that the same landlessness and worsening crisis which pushed the farmers to protest 36 years ago still inflict our peasants and the Filipinos,” saad ni Orly Marcellana ng Tanggol Magsasaka TK.

Ayon sa ulat, higit kumulang 13 magsasaka ang pinaulanan ng bala ng Philippine Constabulary noong Jan. 22, 1987.

Ang mga magsasakang nabanggit ay nakilahok sa isang mapayapang protesta upang ipanawagan ang reporma sa lupa sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

36 taon na ang nakakalipas ngunit wala pa ring hustisya sa sinapit ng mga magsasakang pinaslang sa Mendiola.

(Jan Terence)

The post Mga magsasaka sa Timog Katagalugan, inalala ang Mendiola Massacre first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT