Nasawi ang isang heavy equipment operator nang ito ay madaganan ng kanyang minanehong payloader sa Brgy. Sawang, Lobo, Batangas nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Noel Lopez, 43 anyos, residente ng Brgy. Laiya San Juan, Batangas .

Batay sa report ng Lobo police, dakong ala-1:30 ng hapon, minamaneho ng biktima ang payloader at patungo sa pagri-rescue sa dump truck ng kanilang kompanya na nabalaho sa putikang bahagi ng kalsada.

Subalit habang paakyat ang payloader sa matarik at madulas na daan, hindi ito kinaya ng sasakyan at umatras itong pababa.

Sumalpok ito sa mataas na gilid ng kalsada dahilan para bumaliktad ito.

Tumalon ang biktima subalit hindi ito nakalayo at nadaganan.

Kaagad itong nirescue ng mga awtoridad at isinugod sa ospital sa Lobo subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor. (Ronilo Dagos)

The post Operator todas nang madaganan ng payloader first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT