Kinalampag ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. ang ahensiya ng gobyerno na nakatoka sa pag-iisyu ng National Identification o ID na bilisan ang pag-iisyu ng digital ID.
Ayon kay Presidential Communicatons Office Secretary Cheloy Garafil, inatasan ng Pangulo ang Philippine Statistics Authority (PSA) na dapat bilisan ang digitalization ng national ID upang magamit ng mamamayan sa mga transaksiyon gamit ang teknolohiya.
Ayon sa Pangulo,napag-iiwanan na ang Pilipinas sa teknolohiya kaya mahalagang makasabay sa mabilis na pag-usad ng tekonolohiya.
“Naiwanan na tayo sa technology, so we have to catch up,” angang Pangulo.
Kabilang sa target ng Phylsis ngayong taon ay ilunsad ang mobile app sa unang quarter para i-digitalize ang national ID sa tulong ng pribadong sektor sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP).
Sa pulong ng Pangulo sa PSA at Private Sector Advosory Group (PSAC) ay hiniling nito ang tulong ng mga ito upang mabilis na mailabas ang bagong digital IDs.
Ayon sa PCO, kabilang sa pakinabang sa paggamit ng digital ID system ay ang automated eKYC ( Know Your Customer), identity theft protection, credit card at loan applications at digital wallet.
Sa paggamit ng digital wallet, maiiwasan ang mahabang pila sa distribusyon sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ,makakaiwas sa panloloko at scamming,at mas mapapabilis ng pagpapalabs ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno.
Ang Philipine Identification System Act ay naging batas noong August 6,2018 at sa pamamagitan ng Republic Act no.11055 ay naging batas ang pagtatatag ng single national identification system para sa lahat ng Pilipino at resident alien sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng national ID ay mas mapapadali ang transaksiyon sa mga tanggapan ng gobyerno at pribadong sektor na magpapabilis sa transisyon para sa digital economy at cashless transactions sa bansa. (Aileen Taliping)
The post Pag-iisyu ng digital National ID pinabibilisan ni PBBM first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento