Mino-monitor ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang namataang low pressure area (LPA) sa east ng Mindanao.

Pumasok umano ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nito lamang Sabado ng umaga.

Inaasahan naman na magdadala ito ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao sa mga susunod na araw.

Samantala, makakaranas pa rin naman ng pag-ulan ang ilang lugar sa Luzon, ito ay dahil sa northeast monsoon o amihan.

Ang Metro Manila naman at ang ibang bahagi ng Central Luzon at Ilocos region ay patuloy na makakaranas ng maulap na kalangitan.

(CS)

The post PAGASA binabantayan ang LPA sa Mindanao first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT