Pinangalanan na si dating Interior Secretary bilang bagong National Security Adviser ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nagtungo sa Malacañang si Año para sa oathtaking kaharap ang Pangulo, base sa larawang binahagi ng Presidential Communications Office (PCO).

Si Año ay nagsilbing kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mula 2018 hanggang 2022.

Bago maging parte ng gabinete ay naging commanding general din si Año ng Philippine Army at naging chief of staff din ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Samantala, ang papalitan naman niyang si Prof. Clarita Carlos ay magiging miyembro ng Congressional Policy and Budget Research Department sa House of Representatives. (RP)

The post Palit kay Carlos: Año bagong National Security Adviser first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT