CALIFORNIA – Pinalikas ng mga awtoridad sa Montecito California ang pamilya nina Prince Harry, Oprah at Ellen Degeneres dahil sa biglaang pagtaas ng tubig bunsod ng ng bagyong tumama sa malaking bahagi ng California.

17 katao na ang iniulat na namatay sa walang humpay na ulan na nagsimula pa noong Sabado.

Libo-libong katao ang pinalikas sa Southern California kabilang na ang Santa Barbara atMontecito kung saan nakatira ang ilang celebrity.

Sa video na pinost ni Elleene DeGeneres sa kanyang Instagram account makikita ang pagragasa ng tubig.

Hinagupit din ng bagyo ang ilang lugar sa Northen California na nag-iwan ng mudslide sa mga kalsada.

Ayon sa US Weather service sama ng panahon pa ang tatama sa California ngayong Linggo kaya pinaghahanda na ng mga awtoridad ang publiko sa baha at pagguho ng lupa. (Dave Llavanes Jr.)

The post Pamilya nina Prince Harry, Oprah at Ellen DeGeneres pinalikas dahil sa baha first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT