Ibinahagi ng isang netizen na si Aina Callo ang tila kakaibang libro nitong nadiskubre. Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Aina na ang pamagat ng libro ay ‘Alamat ng Mga Gulay’.

Sa mga susunod naman na larawan ay dito na ang mga nakakagulat na pangyayari sa libro. Mababasa sa libro ang tila gawa-gawang storya patungkol sa pinagmulan ng sayote.

Kaya naman pati si Aina ay tila ‘naloka’ na rin sa nilalaman ng libro.

“Maaaars! Hooooy bat may gantong mga libro?! Pwede ba parusahan mga sumusulat ng ganito???? Kung pinroof read to, unang sentence palang shoshogbakin na kita! Everytime makakakita ako ng sayote si ateng tinadtad na tlga maaalala ko! Shuta Marami pang kasunod to, sabihan ninyo ako pag ready na tayo mag move on. Hahaha” saad sa caption nito.

Mababasa pa sa huling parte ng storya na tinadtad ng kapatid ang katawan ng ate at ginawang pataba at dito na nagsimula ang pagtubo ng sayote.

Iba’t iba naman ang hirit ng mga netizen hinggil sa libro.

“Ngl, this is comedic. I’m just not sure if that was the purpose. I’m here for the NASHOGBAK and ate as FERTILIZER. Hahahaha”

“Madaming maguhuhusay na writer ang pahirapan makapag publish ng libro tapos yung ganitong libro pinapayagan ng publisher ma published ng di chinecheck ng mga editor kung pasok ba sa standard lalo at bata ang mag babasa”

“The author of this deserves to be in jail”

(CS)

The post Pauso ng alamat? Netizens pinulutan imbentong storya tungkol sa sayote first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT