Matapos ang state visit sa China ay sa Japan naman ang susunod na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Pebrero.

Sinabi ng Pangulo na tinanggap niya ang imbitasyon ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida noong magkita sa New York, USA noong Setyembre 2022 at inayos na ang petsa para dito.

“When I met with the Prime Minister Kishida in New York and he invited me to come to Japan, I immediately accepted. And so we are now talking to the Japanese authorities as to — the Japanese foreign service as to when would be the most suitable time for me to come. I think the tentative date is around the second week of February,” saad ng Pangulo.

Nakatakda namang bumiyahe muli ngayong Enero ang Presidente sa Davos, Switzerland para dumalo sa World Economic Forum (WEF).

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na magiging bahagi ng kaniyang state visit sa Japan ay ang diskusyon sa economic security at partnership hindi lamang sa Japan kundi sa iba pang mga bansa Indo-Pacific at Asia Pacific region.

“Well, the agenda will be a continued discussion of what we started in New York which essentially centers around economic security because with the — Japanese have many concerns about regional security and we are seen, of course, the Philippines is seen as an important part of maintaining that security in partnership with friends and partners like Japan and the other countries around the Indo-Pacific, Asia-Pacific region,” dagdag ng Pangulo.

Bukod dito, tatalakayin din aniya sa nakatakdang state visit ang mga tulong na ibinibigay ng Japan sa Pilipinas na pinakikinabangan ng mga Pilipino. (Aileen Taliping)

The post PBBM bibiyahe sa Japan sa Pebrero first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT