May ibang plano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo matapos dalawang beses na hindi nakalusot ang kumpirmasyon nito sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Ito ang inihayag ng Pangulo sa panayam sa kaniya sa Palasyo nitong Lunes matapos tanungin kung itatalaga ba si Tulfo bilang isa sa kaniyang presidential advisers.

Ayon sa Pangulo, maganda ang ipinakita ni Tulfo sa DSWD kaya nais nitong maging bahagi pa rin ang dating opisyal sa kaniyang administrasyon.

“No, that’s not been – that’s really not been part of the plan for Erwin. No, we have other plans for him. Not as a presidential adviser,” saad ng Pangulo.

Hahanapan aniya ng Palasyo ng ibang trabaho si Tulfo sa gobyerno dahil maganda naman ang naging trabaho nito sa DSWD at para mapakinabangan ang kakayahan nito sa larangan ng serbisyo publiko.

Naging hamon lamang aniya kay Tulfo ang CA dahil hindi nakalusot ang kumpirmasyon nito bilang kalihim ng DSWD.

I hope so. I hope so. Because whatever we say – difficulties that he faced with the Committee on Appointments, in the CA, he – the time that he was running the DSWD he did a very good job. So we can’t lose that kind of – that kind of asset. So we’ll find something that he can do so we could take advantage of his good instincts when it comes to social service,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post PBBM: Erwin Tulfo bibigyan ng ibang pwesto sa gobyerno first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT