Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanan na magkaisa at maging solido bilang isang nasyon tungo sa pagharap sa mga darating na pagsubok.
Ito ang mensahe ng Pangulo sa pagsalubong sa bagong taon at hangad na magpatuloy ang pagtutulungan upang makamit ang pangarap na magdang kinabukasan para sa lahat.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., buhay ang Bayanihan sa mga Pilipino kaya tuloy ang pagsulong sa kabila ng mga balakid at pagsubok na siyang nagpapatatag at nagpapalakas sa lahat bilang isang bansa.
“I join the entire Filipino nation with hope and optimism in welcoming the New Year. I hope that we will draw strength and inspiration from what truly binds us together — our genuine love for our fellow Filipinos and our country. This is the essence of our call for unity and the impetus for our continued invitation to work together for the realization of our shared inspirations as a people,” anang Pangulo.
Naniniwala ang Presidente na kapag nagkaisa ang lahat ay magagawang malagpasan ang lahat ng mga pagsubok at maiangat ang bansa tungo sa kaunlaran at kaayusan.
Hinimok ni Pangulong Marcos ang sambayanan na manatiling matatag at patuloy na nagkakaisa sa tulong at gabay ng Maykapal tungo sa mas maayos at masaganang kinabukasan ng bansa.
“As we look forward to a fruitful and hopeful New Year, let us remain steadfast and united as ever as we ask the Almighty’s continued guidance in our journey toward a better , brighter and more prosperous future for our nation,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)
The post PBBM nanawagan ng pagkakaisa upang malagpasan ang mga pagsubok first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento