Nagsagawa ng full cabinet meeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Martes sa Malacañang bilang pagpapatuloy ng presentasyon ng mga ahensiya ng gobyerno sa mga naging accomplishment nila noong nakalipas na taon.
Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Press Briefer Daphne Osena-Paez na kabilang sa mga nagbigay ng presentasyon sa Pangulo at ang mga kalihim ng Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), Department of Energy (DOE), Department of Labor and Employment (DOLE), DSWD, Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Health (DOH), Department of Migrant Workers (DMW), DENR, DOST at Department of Energy.
Bawat isa aniya ay nagbigay ng kanilang report pati na ang mga gagawing mga programa at plano ngayong 2023 para sa kanilang ahensiya at sa mamamayan.
“Today, there was a cabinet meeting. It was the continuation of the last meeting of 2022. The President met with the entire cabinet and heard the presentations of the remaining 12 departments,” ani Paez.
Pinaalalahanan aniya ni Pangulong Marcos jr. ang bawat kalihim na isaisip ang mga ginagawa at paigtingin ang kooperasyon at interaksiyon ng bawat ahensiya upang makamit ang 8-point socio economic agenda ng administrasyon.
“Before the end of the meeting, the President wanted all the department heads to remember to know what each other’s doing and to maximize the synergy in order to work together to achieve the 8-point socio economic agenda,” dagdag ni Paez. (Aileen Taliping)
The post PBBM pinulong ang buong gabinete sa Malacañang first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento