Sanay sa trabaho sa embahada si dating  Presidential Management Staff (PMS) Secretary Zenaida Angping kaya hindi na bago sa kaniya ang bagong posisyon para pangasiwaan ang Philippine Embassy sa France.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes sa Palasyo matapos tanungin kung may kakayahan  ba si Angping na  hawakan ang diplomatic post na ibinigay sa kaniya matapos iwan ang PMS.

Ayon sa Pangulo, matagal na nagsilbi sa foreign service si Angping, at naging staff siya ng kaniyang tiyuhin na si  Benjamin ‘Kokoy’ Romualdez sa Philippine Embassy sa Amerika.

Nagtrabaho rin aniya si Angping sa Philippine embassy sa China kaya  gamay na nito ang trabaho sa embahada.

“She has not held formally a diplomatic position but she has been working with the foreign service for years, and years, and years. Tao ‘yan ng Uncle Kokoy ko. And she worked in the American embassy, the Philippine embassy in the United States. She worked in – she worked in well, China. She worked in all of the areas that we were slowly opening up. So sanay siya sa trabahong ‘yan,” saad ng Pangulo.

Bukod dito, sinabi ng Pangulo na  ilang taon ng tinatrabaho ni Angping ang kaniyang foreign service exam kaya matutupad na ang gusto  na makapagsilbi sa diplomatic post.

“And she has said that she has – and she has already – she had for years now been working on her foreign service classifica – ah exam. So I think that’s what she is going to plan to do now. Iyon talaga ang gusto niyang gawin since before. So now we will formalize her wishes,” dagdag ng Pangulo.

Hindi naman sinagot  ni PBBM ang tanong kung sino ang sasalo sa binakanteng pwesto ni Angping sa PMS matapos itong mag-resign noong Disyembre 2022 at nang bumalik ito ay hiniling na mabigyan siya ng diplomatic position kaya ibinigay  sa dating kalihim ang pagiging sugo ng Pilipinas sa Pransiya.

“She had some personal issues that she had to work through and she said I cannot do my work while I’m having to go through this. And that’s why I need to go and think about it.And she came back and she said maybe I can just find something that will not – that I will be able to handle. And I said, “What do you think?” And she said, “If you could appoint me to a diplomatic position?,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post PBBM: Zenaida Angping kabisado ang trabaho sa embahada first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT