Si PBGen. Romeo Caramat Jr. ang itinalagang bagong hepe ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ngayong Lunes, Enero 9.

Matatandaang nitong Linggo lamang, Enero 8, nang pumanaw ang kanyang asawa na si Calasiao Mayor Mamilyn Agustin-Caramat.

Ang asawa ng bagong hepe ang kauna-unahang naging babaeng mayor ng Calasiao.

Samantala, nakiramay ang mga awtoridad sa pamilya ni Caramat.

“Police Regional Office 13 sends its condolences and deepest sympathies to the family of the late Mayor of Calasiao, Pangasinan, former Adviser of PRO13 Officers’ Ladies Club, and wife of former RD, PRO13 PBGEN ROMEO M CARAMAT, JR., Hon. Mamilyn “Maya” Agustin – Caramat.”

Ibinaba rin ng bahagya o “half-mast” ang bandila ng bansa kahapon sa labas ng Calasiao municipal hall sa Pangasinan dahil sa pagkamatay ng kanilang mayora.

(Jan Terence)

The post PBGen. Romeo Caramat Jr., bagong hepe ng PNP-CIDG first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT