Bibisita sa bansa ang International Labour Organization (ILO) – High Level Tripartite Mission bago matapos ang buwan, ayon kay House Committee on Labor and Employment chairperson at Rizal Rep. Fidel Nograles.

Kumpiyansa si Nograles na makatutulong ang ILO-High Level Tripartite Mission na nasa bansa mula Enero 24 hanggang 27 upang makalikha ng batas para mapalakas ang karapatan ng mga manggagawa na mag-unyon.

“We look forward to the visit of the ILO and we will help them in any way we can during their visit. The government is very much open to address the concerns of labor groups and of course, we want to empower them and their members as part of our obligation under the ILO Convention No. 87,” sabi ni Nograles.

Niratipika ng Pilipinas ang ILO Convention No. 87 o ang Freedom of Association and Protection of the Right to Organize Convention, noong Disyembre 1953 na naglalayong kilalanin ang karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa.

Kapag natanggap umano ng gobyerno ng Pilipinas ang resulta ng misyon ng ILO ay magsasagawa ng pagdinig ang House Committee on Labor upang makalikha ng kinakailangang batas.

“We recognize the fundamental rights of trade union leaders and members and we want to work hand-in-hand with them to help improve working conditions of those in the labor sector,” dagdag pa ni Nograles. (Billy Begas)

The post PH sisilipin ng ILO Tripartite Mission first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT