Nakatakdang buksan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang bago at moderno na Passenger Terminal Building (PTB) sa Calapan Port sa Oriental Mindoro.

Posible umanong matapos ang proyekto sa Pebrero at maaari ng gamitin sa Marso.

Ito na umano ang pinakamalaking Passenger Terminal Building sa Pilipinas, kaya umano nito ang nasa 3,500 pasahero sa kahit anong oras.

Tinataya naman na nasa P353 milyon ang halaga ng proyekto, matatagpuan sa terminal ang mga modernong pasilidad katulad na lamang ng elevator, escalator, prayer room, breastfeeding station, children’s playroom at clinic.

(CS)

The post Pinakamalaking port terminal sa ‘Pinas bubuksan sa Calapan City first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT