Ayon kay Feng Shui Master Hanz Cua, ang mga single ay dapat magsuot ng “pink underwear” at magsindi ng apat na kandila sa gitna ng bedroom kada Biyernes ng gabi, 8 p.m. hanggang 9 p.m. upang magkaroon ng jowa. 

Sinabi ni Master Hanz na hindi ito para sunugin ang kwarto, patayin agad ang kandila pagkatapos mag-wish na magkajowa. 

“Huwag ninyong susunugin ang kwarto ninyo. Wish ninyo kung sino ang gusto ninyong maging dyowa, partner na gusto ninyong magayuma at hindi na makuha ng iba,” saad ni Master Hanz.

Sa impluwensiya ng mga Chinese-Filipino, may mga kababayan tayong naniniwala na rin sa Feng Shui na isang tradisyon sa China. 

(Jan Terence) 

The post Pink underwear, dapat suotin para magkaroon ng jowa sa 2023  first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT