Nasawi ang mag-ina sa Alaska matapos tila gawing ‘miryenda’ ng isang polar bear. Isang babae at paslit ang napaslang ng polar bear.
Nanghabol pa umano ang polar bear ng ilang residente sa lugar ng Wales sa Alaska bago mapagdiskitahan ang mag-ina.
Matapos mapaslang ang mag-ina napatay naman ang polar bear ng isang residente matapos itong barilin.
Kinilala ang biktima na sina Summer Myomick, 24 taong gulang at ang isang taong gulang nitong anak na si Clyde Ongtowasruk.
(CS)
The post Polar bear ginawang ‘miryenda’ ang mag-ina sa Alaska first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento