Umapela ang isang lady solon sa gobyerno na huwag kalimutan ang magandang dulot ng public-private partnership (PPP) sa mga malalaking development project sa bansa kapag naitayo na ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera, malaking tulong ang pribadong sektor sa pagtatayo ng mga proyekto na kailangan ng bansa.

“Let us not forget PPP and the indispensable role of the private sector as the main engine for national growth and development,” sabi ni Herrera.

Kung si Herrera umano ang tatanungin mas maganda kung mas bibigyan ng prayoridad ng gobyerno ang PPP kesa sa sovereign wealth fund (SWF) o MIF.

“Sana this (SWF) will not in any way na hindi natin palakasin ang PPP natin because PPP is really an important vehicle para magtuloy-tuloy ang Build, Build, Build ng ating bansa,” sabi ni Herrera.

Bago ang Christmas break ay inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang panukalang MIF.

Ipinadala na ito sa Senado para sa konsiderasyon nito.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinalutang nito ang ideya ng pagkakaroon ng SWF upang mapondohan ang mga kinakailangang proyekto ng gobyerno. (Billy Begas)

The post PPP ‘wag kalimutan kapag mayroon ng Maharlika fund first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT