Mayroong escort na mga fighter jet ng Philippine Air Force (PAF) ang flight PR001 na sinakyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang delegasyon patungong Davos, Switzerland.

Inilabas ng Office of the Speaker ang larawan ng mga fighter jet.

“This is part of essential standard operating procedure to ensure the safety and security of presidential flights,” sabi ng Office of the Speaker.

Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay bahagi ng delegasyon ng Pilipinas para sa World Economic Forum. (Billy Begas)

The post PR001 may escort na PAF fighter jets first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT