Bumababa na ang presyo ng ilang pangunahing bilihin katulad na lamang ng gulay at karne.

Bagama’t bumaba na ang presyo ng gulay at ang sibuyas, kaunti pa rin umano ang bumibili sa merkado.

Matatandaang sumirit ang presyo ng sibuyas nitong mga nakaraang linggo ngunit kamakailan lang ay dumating na sa Pilipinas ang mga puti at pulang sibuyas na inangkat mula sa China.

Samantala, sa karne at manok naman ay walang pagbabago ng presyo.

(CS)

Alamin ang buong detalye ng report sa video na ito,

The post Presyo ng sibuyas, gulay nababa na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT