Inihayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SIA) na posibleng bumaba ang presyo ng sibuyas sa bansa sa P120 hanggang P150 kada kilo.
Ayon kay Rosendo So, presidente ng SIA, ito’y dahil sa inaasahang ani ng mga magsasaka na nasa 20,000 toneladang sibuyas sa susunod na buwan.
Aniya, maaaring bumaba ang farm gate price ng sibuyas sa P80 hanggang P100 kada kilo.
Kaya maaari umano itong maibenta sa merkado ng mula P120 hanggang 150 kada kilo.
Iniugnay ni So ang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa hindi pag-import ng gobyerno noong nakaraang taon.
“‘Yung panahon na dapat mag-angkat tayo, ‘di tayo nag-angkat kaya nag-spike ‘yung presyo nang ganoon kataas,” aniya sa interview sa “TeleRadyo” nitong Sabado. (IS)
The post Presyo ng sibuyas posibleng bumaba sa Pebrero first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento