Ipinagmalaki ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) na nakaipon ang gobyerno ng mahigit P681 million dahil sa ipinatupad na transparent at episyenteng procurement system.

Ito ang ibinalita ni PS-DBM Executive Director Dennis Santiago na aniya ay pinakamataas na naitalang savings kumpara noong 2021 na P559 million.

Sinabi ng opisyal na resulta ito ng  kasipagan at sakripisyo ng mga kawani ng PS-DBM para masiguro ang transparency at episyenteng public procurement process.

“Under one PS-DBM, we look forward to achieving procurement transformation, not only in processes, procedures and products that we procure, but the ovel-all transformation,” saad ni Santiago.

Umaasa naman si DBM secretary  Amenah Pangandaman na makakabawi ang PS-DBM  at maibalik ang magandang impresyon ng publiko mula sa mga reporma at inisyatibang ipinatupad ng mga opisyal at kawani nito.

Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya sa PS-DBM noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic matapos malagay sa hot seat ang ilang  dating opisyal ng tanggapan dahil sa isyu ng umano’y overpricing sa mga biniling medical supplies laban sa COVID-19  noong nakalipas na administrasyon. (Aileen Taliping)

The post PS-DBM nakaipon ng P681 million noong 2022 dahil sa transparent procurement first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT