Personal na nag-abot ng pagbati ang dating miyembro ng Abante na si Senador Raffy Tulfo sa ika-34 na anibersaryo ng pinakamatinding tabloid sa Pilipinas na Abante.

Si Sen. Tulfo ay dating nagsusulat para sa Abante.

“Nais ko pong batiin ang dati kong tahanan, ang Abante,” ayon kay Tulfo.

“Na kung hindi dahil sa Abante, wala sigurong Raffy Tulfo ngayon,” dagdag pa nito.

Sa huling parte ng video ay nag-iwan pa ito ng mensahe para sa Abante.

“Ako po’y sumasaludo sa inyo. Happy 34th anniversary. God bless, mabuhay kayo and more power.”

(CS)


The post Raffy Tulfo sinaluduhan ang Abante sa ika-34 na anibersaryo first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT