Matapos ang pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina sa pagpasok ng bagong taon, nagbabadya naman ang rollback para sa susunod na linggo.

Inaasahan na babagsak ang presyo ng diesel mula P2.40 hanggang P2.60 kada litro.

Ang gasolina naman ay matatapyasan ang presyo ng P0.50 hanggang P0.60 kada litro.

Matatandaang hindi maganda ang pagpasok ng bagong taon para sa mga motorista dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina, ang gasolina ay tumaas ang presyo hanggang P2.90, ang diesel ay P2.10 at ang kerosene naman ay sumirit sa P3.05.

(CS)

The post Rollback sa diesel, gasolina inaasahan sa susunod na linggo first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT