Sampung tao ang pumanaw sa nangyaring mass shooting sa southern California, ayon sa mga lokal na awtoridad nitong Linggo.

“Los Angeles County Sheriff’s Homicide detectives are responding to assist Monterey Park Police Department with a shooting death investigation. There are nine deceased,” pahayag ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, lalaki ang suspek ngunit wala pang ibang impormasyon na nalalaman tungkol sa kanya.

Nangyari ang insidente sa Monterey Park, isang lugar na karamihan ay mga Asyano.

Sa mga ulat ng awtoridad, nangyari ang shooting sa isang dance venue isang oras matapos ang Lunar New Year celebration nitong Sabado.

Kaugnay nito, nananatiling malaking problema ito sa Estados Unidos na may 647 shootings nitong 2022, ayon sa Gun Violence Archive website.

(Jan Terence)

The post Sampung tao patay sa mass shooting sa California first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT