Itinanggi ng SMNI na sa kanila galing ang isang quote card ng umano’y komento ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos kaugnay ng nangyaring air traffic shutdown noong Enero 1.

“SMNI strongly disowns this fake quote card circulating in social media. We assure the public that SMNI will only deliver ‘Truth That Matters’,” sabi ng SMNI sa isang Twitter post nito.

Nagbabala rin ang SMNI na papanagutin nito ang sinuman na hindi awtorisadong gumagamit ng kanilang pagkakakilanlan logo, at social media material.

Niretweet ni Marcos ang post ng SMNI.

Batay sa kumakalat na itinangging card, sinabi umano ni Marcos na mareklamo ang mga Pilipino.

“Filipinos love to complain even about small matters. Just because your flight is delayed for one day makes you feel entitled to blame it on the government. If you hate having your flights delayed, take the bus or a boat, or ferry. Let us be STRONG in understanding and WEAK in blaming the government,” sabi sa pekeng quote card. (Billy Begas)

The post SMNI itinanggi kumakalat na quote card ni Sandro Marcos first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT