Isang suicide bomber ang pumasok at umatake sa isang mosque sa Lungsod ng Peshawar sa northwestern Pakistan na kumitil sa buhay ng 59 tao habang nag-iwan ng 150 sugatan nitong Lunes, Enero 30.
Agad naman itong kinundena ng mga politikal na partido na nasa opsisyon sa kanilang bansa.
Sabi naman ni Ghulam Ali, governor ng Khyber Pakhtunkhwa province ng Peshawar na maaari pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi.
Karamihan sa mga nasawi ay mga opisyal ng kapulisan sa kanilang lugar sapagkat sa loob ng compound ng mosque ay ang kanilang headquarters.
Ayon sa kapulisan, tinatayang nasa 300 hanggang 350 ang nananalangin sa loob ng mosque nang mangyari ang insidente.
“The impact of the explosion collapsed the roof of the mosque, which caved in and injured many,” ayon kay Zafar Khan na isang local police officer.
Sa isang pahayag, kinundena naman ito ni Pakistani Prime Minister Shahbaz Sharif.
“My prayers & condolences go to victims families,” the ex-premier said. “It is imperative we improve our intelligence gathering & properly equip our police forces to combat the growing threat of terrorism,” aniya.
(Jan Terence)
The post Suicide bomber kumitil sa 59 tao, 150 sugatan sa Pakistan mosque first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento