Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 51% porsiyento o halos 12.9 milyong pamilyang pinoy ang naniniwalang sila ay mahirap.

Kumpara noong Oktubre 2022, sinabi ng SWS na tumaas ang mahihirap na pamilya sa halos 12.6 milyon na.

Pinakita rin ng Fourth Quarter 2022 poll na 31% ng pamilyang pinoy ay nakikitang nasa “borderline” sila ng pagiging mahirap habang ang 19% naman ay naniniwalang hindi sila mahirap.

“Out of the 12.9 million “poor” families, 8% were non-poor one to four years ago, and 5.8% were non-poor five or more years ago,” pahayag ng SWS.

Isinagawa ang survey nitong Disyembre 10 hanggang 14 noong 2022 sa personal na panayam sa 1,200 pinoy. (Jan Terence)

The post SWS: Halos 13M Pinoy, naniniwalang mahirap ang kanilang pamilya first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT