Posible umanong hanggang ngayong araw na lang ang pagbebenta ng murang sibuyas sa Kadiwa centers, ito ay ayon sa Department of Agriculture (DA).

Kamakailan lang ay inihayag ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez ang posibleng pag-import ng sibuyas.

Pinag-aaralan umano nila ang pag-import ng nasa 22,000 tonelada ng sibuyas upang matapos na ang mataas na presyo ng sibuyas sa ‘Pinas.

“Tutuldukan na natin ito through importation. Hindi man magandang pakinggan, pero kailangan natin,” pahayag ni Estoperez sa panayam ng dzBB.

Samantala, inaasahan naman ng DA na bababa na ang presyo ng sibuyas dahil nalalapit na ang anihan sa bansa.

(CS)

The post Tapos na? Murang sibuyas sa Kadiwa centers, posibleng hanggang ngayong araw na lang first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT