Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan, ilang lugar na ang nagpasya na ikansela ang klase ngayong araw, Enero 5, 2023.
Kanselado na ang klase sa lahat ng antas sa Camarines Sur.
Ilang lugar din sa Albay ang nagkansela na ng kanilang klase sa lahat ng antas, ito ay ang lugar ng Guinobatan, Camalig at Legazpi.
Samantala, ilang lugar din sa Laguna ang kinansela na ang kanilang klase dahil sa patuloy na pag-ulan, ito ay ang lugar ng Bay, Cabuyao City, Cavinti, Famy, Luisiana, Mabitac, Majayjay, Paete, Pakil, Pangil, Santa Maria at Siniloan.
(CS)
The post TINGNAN: Ilang lugar kanselado ang klase first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento