Dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan, maraming lugar na ang nagpasya na ikansela ang klase.

Narito ang mga lugar na nagkansela na ng klase.

  • Marikina – sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado
  • Malabon – sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado
  • Caloocan – sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado
  • Pasig – sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado
  • Bulacan – elementarya hanggang high school, pampubliko man o pribado
  • Pampanga – pasok sa gobyerno at sa lahat ng antas ng paaralan pampubliko man o pribado

Ilang lugar din sa Albay ang nagkansela na ng kanilang klase sa lahat ng antas, ito ay ang lugar ng Legazpi City, Camalig, Guinobatan at Camarines Sur.

Samantala, ilang lugar din sa Laguna ang kinansela na ang kanilang klase dahil sa patuloy na pag-ulan, ito ay ang lugar ng Bay, Cabuyao City, Cavinti, Famy, Luisiana, Mabitac, Majayjay, Paete, Pakil, Pangil, Santa Maria at Siniloan.

(CS)

The post TINGNAN: Kanseladong klase ngayong araw first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT