Naghain si Senador Raffy Tulfo ng  isang panukalang batas na naglalayong maglagay ng evacuation centers sa lahat ng 1,488 na munisipalidad at 146 na lungsod sa bansa.

Sa Senate Bill (SB) No. 1652, binigyang-diin ni Tulfo na kailangan ng evacuation centers na mayroong basic facilities, accessible na lokasyon at sapat na emergency supplies, tulad ng tubig, gamot at mga relief goods.

Sabi niya, ang Pilipinas ang isa sa pinaka typhoon-prone na bansa sa buong mundo.

“When disaster and calamities strike, covered courts, gymnasiums, schools, and even churches serve as evacuation areas to shelter affected residents and families,” saad ni Tulfo.

“These areas are jam-packed when the situation worsens. Diseases; existing and unforeseen may also spread because these areas do not meet standard measures for a proper and well-ventilated evacuation center,” dagdag pa niya.

May average na 19 hanggang 20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) taon-taon, kung saan umaabot sa pito hanggang siyam na landfall, ayon sa Climate Change Knowledge Portal for Development Practitioners and Policy Makers.

Sa ilalim ng SB No. 1652, ang bawat lokasyon sa bawat evacuation center ay dapat tukuyin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pakikipagkoordinasyon sa mga LGUs.

Ang nasabing lokasyon ay dapat nasa isang ligtas na distansya mula sa malalaking puno at istruktura na may mga mapanganib na materyales, kailangang malapit sa pasilidad ng kalusugan at hindi dapat matatagpuan malapit sa mga base camp ng militar at mga kampo ng mga rebeldeng grupo. (Dindo Matining)

The post Tulfo: Lahat ng lungsod, bayan tayuan ng evacuation centers first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT