Matapos na matagumpay na maikasa ang 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF), inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Enero 9 na ikakasa rin nila ang unang Metro Manila Summer Festival (MMSF) ngayong taon.
Sinabi ni Atty. Romando Artes, MMDA at MMFF Over-all Chairman na matutuloy ito kasama ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
Ang MMSF ay magtatagal ng 11 araw mula Abril 8 hanggang Abril 18 sa lahat ng sinehan sa buong bansa.
Ang Award-winning actress na si Laurice Guillen na ito nang “best time” para simulan na ang MMFF.
“As mentioned earlier, two years ago pa dapat ito ginawa pero inabutan nga ng pandemic. But we fell that the people are ready to go back to the theaters now as proven by the success of the MMFF 2022. Yung summer festival is the time na naka-break talaga and halos lahat ng kabataan nasa bakasyon. So it’s really a time for celebration. At the same time walang ibang foreign films na kalaban. So we really need to jumpstart again our local movies. Kailangan natin ang mga ganun para bumalik sa dating sigla ang film industry,” aniya.
“Iba-iba ang perspective ng the jury. Pero kahit na galing kami sa iba’t ibang perspective, meron naman kaming napagkasunduan. I can say that then choices were collegial. Hindi lahat ng choices ko ang nanalo. We had a general agreement after discussions. So based on that, any of those films could have won. Lahat ng jurors nag-attend ng deliberations and then bawa’t isa nagkaroon ng pagkakataon na sabihin kung ano ang tingin niya sa pelikula,” dagdag pa niya.
(Jan Terence)
The post Unang Metro Manila Summer Film Festival, ikakasa na sa Abril first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento