Dahil sa dami ng naitalang bilang ng importasyon, hindi na umano nakakapagtakang tawaging “Department of Importation” ang Department of Agriculture, ayon kay Senadora Cynthia Villar.
Sa pagdinig ng Senate committee on agriculture, pinaalalahanan ni Villar ang DA na ang importasyon ay pansamantala lamang at hindi permanenteng solusyon sa kakulangan ng suplay.
Aniya, mandato din ng ahensya na bigyan ng kabuhayan ang mga lokal na magsasaka at hindi ang mga importer.
“Ang inyong mandate is to have a developmental program that will produce enough supply for the Philippines at a competitive price. ‘Yun ang mandate ninyo. Hindi ninyo mandate na kung may gustong mag-import, bibigyan ninyo ng import permit. That’s not your mandate,” sabi ni Villar.
“Pag ganun ang inyong mandate eh tatawagin nga kayong Department of Importation, hindi kayo Department of Agriculture. ‘Yan ang tawag sa inyo eh,” diin pa niya.
Ginawa ni Villar ang pahayag nang simulant niya ang pagdinig tungkol sa kanyang panukala na naglalayong i-develop at isulong ang yellow corn industry para magkaroon ng mura at kalidad ng feeds sa bansa.
Sabi ni Villar, noong 2019, sobra-s0bra ang suplay ng yellow corn sa bansa.
“So our aim is to produce corn so we don’t have to import and then we produce it a price na competitive. ‘Yun ang intention nitong bill na ito,” paliwanag ng senadora. (Dindo Matining)
The post Villar binira ang DA: Department of Importation kayo! first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento