Hanep ang pasabog na ginawa ng mga empleyado ng isang kompanya para sa kanilang boss na nagdiwang ng birthday sa Subic.
Ang video ay ibinahagi ng biyenan ng boss na sinabing ‘best’ ang pakulong birthday greeting ng mga employee ng GrainPro Philippines.
“This is the best I have seen! A protest rally -like greetings of GrainPro Philippines peeps to my son-in-law Patrick . GrainPro fam, you surprised us with your amazing and incredible creativity!” ayon sa caption ng biyenan na pinost sa Facebook.
Makikita sa video na akala mo ay sinasalubong ng protesta ang paparating na SUV kung saan sakay ang kanilang boss.
Pormang mga ralisyista ang mga empleyado na sumisigawa ng ‘maki-birthday. huwag matakot’ imbes ang karaniwang sinisigaw sa mga rally na ‘makibaka, huwag matakot.’
May mga bitbit pang placard na may iba’t ibang birthday message habang nakatali ng kulay pulang ribbon sa ulo ang mga empleyado na sinalubong ng birthday song ang kanilang boss.
Nagbitbit pa ng mikropono ang mga empleyado na kadalasang senaryo sa mga rally at pinagsalita sa parking ang kanilang amo matapos nitong i-blow ang regalong cake ng mga empleyado.
Dahil sa pakulo ng mga empleyado, sinabi niya na ‘best birthday ever’ ang kanyang naranasan.
The post VIRAL: Birthday ng boss binulabog ng ‘rally’ ng mga empleyado! first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento