Si Vice President Sara Duterte-Carpio ang tatayong caretaker ng bansa habang nasa tatlong araw na state visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China.
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Officer-in-Charge Cheloy Garafil matapos bumiyahe nitong Martes ang Pangulo patungong Beijing, kasama ang kaniyang delegasyon.
Ayon kay Garafil, pareho pa rin ang magiging set-up gaya ng ipinatupad sa mga nakalipas na biyahe ni Pangulong Marcos Jr. sa ibang bansa.
Si VP Sara ang pansamantalang magiging timon at mangangasiwa sa bansa habang wala ang Presidente.
Sa departure speech ng Pangulo, sinabi nitong mawawala siya sa bansa sa loob ng 48 oras para tugunan ang imbitasyon sa kaniya ni Chinese President Xi Jinping.
Batay sa itinatakda ng Konstitusyon, maaaring umakto para sa Pangulo ang Bise Presidente sa mga desisyon sa ehekutibo habang wala ito sa bansa maliban na lamang sa ilang bagay na tanging ang Pangulo lamang ng Republika ang pinapahintulutan ng batas. (Aileen Taliping)
The post VP Sara caretaker ng bansa habang nasa China si PBBM first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento