Ayon kay Fr. Earl Valdez, Parochial Vicar ng Simbahan ng Quiapo, tatlong oras lang umano maaaring tumagal ang “Walk of Faith.”

“So far so good ang pagsisimula ng pagdiriwang ng pista ng poong Itim na Nazareno,” dagdag pa niya.

Hindi rin umano magsasagawa ng prosesyon ng mga imahen.

“Wala po tayong prosesyon ng imahe, mga deboto lang ang lalakad mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo church.”

Hindi rin pinapahintulutan ni Fr. Valdez na sumama pa sa pista ang mga maysakit at buntis para na rin sa kanilang kaligtasan.

“Hindi natin papayagan ang mga sasama na walang face masks. Hindi rin natin hinihikayat na sumama ang mga maysakit, mga buntis,” aniya.

Ang pista ng itim na Nazareno na magsisimula sa darating na Enero 9 ay dinadaluhan ng libu-libong mananampalatayang Katoliko kada taon sa bansa.

(Jan Terence)

The post Walk of faith’, 3-oras tatagal – Quiapo Church first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT