Dinaluhan ng mga deboto ng Itim na Nazareno ang Walk of Faith mula Quirino Grandstand hanggang sa Minor Basilica sa Quiapo, Manila ngayong Linggo, Enero 8. 

Pansamantalang pamalit ito sa tradisyunal na Traslacion o ang paglipat sa replica ng Nazareno mula grandstand hanggang sa Simbahan ng Quiapo. 

Ito muna ang isasagawa upang maiwasan pa ang pagkalat ng pandemyang Covid-19 at sa kaligtasan na rin ng lahat na mga deboto. 

Patuloy ang paalala ng pamunuan ng simbahan at ng mga awtoridad na huwag na dumalo ang mga buntis at maysakit. 

Dinadaluhan ang pista ng Itim na Nazareno kada Enero 9 sa Quiapo, Manila ng milyun-milyong Katoliko sa buong bansa. 

(Jan Terence) 

The post ‘Walk of Faith’ nagsimula na, dinaluhan ngayon ng mga deboto!  first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT