Inanunsyo nitong Lunes, Pebrero 27 ng ilang transport group ang “transport holiday” sa National Capital Region at Region 3 upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.

Ayon sa ulat, ikakasa ang tigil-pasada mula Marso 6 hanggang Marso 12.

Kasunod ito ng itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huling biyahe ng mga tradisyunal na jeep sa Hunyo 30, 2023 maliban kung nagsimula na silang sumali sa isang kooperatiba o korporasyon.

Para sa LTFRB, mas mabuting maging miyembro ng isang kooperatiba ang isang jeepney driver dahil hindi na nila kailangan pang magkaroon ng boundary.

Layunin din ng PUV modernization program na palitan ang mga tradisyunal na jeepney ng mga sasakyang pinapagana ng mas environment-friendly na mga gasolina. (IS)

The post 1 linggong tigil-pasada ikakasa sa Marso vs PUV modernization first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT