Naglabas ng pahayag ang Japanese Ambassador sa Pilipinas kaugnay sa marahas na aksiyon ng mga tauhan ng China Coast Guard laban sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard na nagbabantay sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Sa twitter post ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, hindi nito naitago ang matinding pag-aalala sa paggamit ng military grade laser ng China Coast Guard sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard na nagresulta sa pansamantalang pagkabulag ng mga ito.
Sinabi ng Japanese Ambassador na mapanganib ang asal ang laser-pointing na ginawa sa mga tauhan ng PCG na hindi dapat ginagawa ng kahit sinoman.
“We express serious concerns about dangerous behavior against PH vessels,” ani Koshikawa.
Lahat ng bansa ay dapat rumespeto aniya sa maritime order batay sa international law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea.
Bukod dito, sinabi ng Japanese Ambassador na pinal na ang desisyon sa 2016 arbitral award na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Koshikawa na mahigpit nilang tinuututulan ang ano mang aksiyon na makakapagpataas ss tensiyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS.
“All states should respect maritime order based on international law, in particular UNCLOS, and recall that 2016 arbitral award is final and legally binding. We firmly oppose any action that increase tensions,” dagdag ni Koshikawa.
Nitong Martes ay ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. sa Malacanang si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kung saan pinag-usapan ang insidente ng laser-pointing ng Chinese Coast Guard sa mga tauhan ng PCG pati na rin sa mga Pilipinong mangingisdsa sa West Philippine Sea.
Walang ibinigay na dagdag na impormasyon ang PCO hinggil sa mga napag-usapan sa nabanggit na pulong. (Aileen Taliping)
The post Ambassador ng Japan hindi nakatiis, nagsalita sa pananalbahe ng China Coast Guard sa mga tauhan ng PCG first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento