Nitong Linggo, Pebrero 26, idineklara ng Commission on Elections (Comelec) si Crispin Diego “Ping” Remulla bilang bagong kinatawan ng 7th District ng Cavite.
Si Crispin Diego ang papalit sa congressional seat na binakante ng kanyang amang si Jesus Crispin Remulla nang tanggapin ang posisyong Justice secretary.
Tinalo ni Crispin Diego ang tatlong independent candidate na sina Melencio de Sagun, Jose Angelito Domingo Aguinaldo at Michael Angelo Bautista Santos matapos makakuha ng total votes na 98,474 sa Trece Martires City, Amadeo, Indang at Tanza.
Nakakuha lamang ng 46,530 votes ang pumangalawa sa kanyang si De Sagun.
Samantala, isinalarawan ni Comelec Chairman George Garcia, na “very peaceful” ang naganap na special elections noong Sabado sa nasabing lalawigan. (IS)
The post Anak ni Remulla wagi sa special congressional elections sa Cavite first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento