Nakatanggap na malaking pondo sa ilalim ng 2023 national budget ang mga specialty hospital na pinamamahalaan ng Department of Health (DOH), ayon kay Senador Sonny Angara.

Dahil dito, sinabi ni Angara, chairman ng Senate finance committee na kailangang bumiyahe ng mga taga-probinsya sa Maynila para magpakonsulta at magpagamot sa mga specialty hospital.

“Every year we provide additional funds to our specialty hospitals. Many of our compatriots who are seriously ill are unable to seek medical treatment due to poverty,” sabi ni Angara.

“They are the main beneficiaries of the services provided by these facilities, so we have ensured that there is additional funding for them every year,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA), may kabuuhang P7 bilyon ang ipinondo sa Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center at Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care

Ang nasabing halaga ay kumakatawan sa P1.1 bilyong dagdag mula P5.8 bilyon na natanggap nila noong 2022 at P2 biilyong pagtaas mula sa P4.9 bilyon sa ilalim ng 2023 budget.

Sabi ni Angara, ang Lung Center of the Philippines ay may kabuuhang P835.2 milyong pondo ngayong taon, mas mataas sa P683.9 milyon na natanggap noong 2022.

Bingyang naman ng P1.7 bilyong ang National Kidney and Transplant Institute ngayong taong ito mula sa dating P1.6 bilyon noong nagdaang taon.

Samantala, ang Philippine Children’s Medical Center ay may total budget na P2.1-bilyon ngayong 2023, mas mataas sa dating P1.6 bilyon noong 2022.

Naging P2.2 bilyon naman ang pondo Philippine Heart Center ngayong taong ito na mas mataas sa P1.8 bilyong noong 2023 habang ang Traditional Alternative Health Care ay binigyan ng P156.2-milyon ngayong taong ito.

Naglaan din ng P100.2 bilyong subsidy sa Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth para sa implementasyon ng Universal Health Care law.

“Patients from all over the country travel to Manila to seek medical help from these specialty hospitals because the treatment that they require are usually not available at the medical facilities where they reside or are too costly for them,” saad ni Angara.

“Eventually we want bring these services closer to them with the establishment of satellite specialty hospitals,” diin pa niya. (Dindo Matining)

The post Angara: Mga specialty hospital nilakihan pondo sa 2023 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT