Ilang netizens ang nakapansin na malaki na ang pinagbago ng programang ‘Wish Ko Lang’ at ngayon ay mas nagiging pokus na ng programa ang sexy scenes.

“So anong wish? (I miss the original Wish Ko Lang.)” saad sa caption ni The Professional Heckler.

Makikita sa larawan na ibinahagi nito na ang pamagat ng programa ay “Mister, ipinagpalit si misis sa lalaking anak ng kanyang ex!”.

Sumang-ayon naman ang mga netizen sa hirit ni The Professional Heckler at napansin din ang malaking pagbabago sa programa.

“Gulat talaga ako Wish ko lang ang palabas pero ganyan na mga eksena parang Karelasyon na ang peg”

“Ung wish ko lang, imbestigador at tadhana nakakalito minsan hahaha”

“Pansin ko nga,bkit naging ganyan n ang “wish” ko lang dati tumutupad lang ng wish ng isang maysakit,naulila etc. bkit ngaun my p drama n?ndi n realistic ang dating”

(CS)

The post Anyare? Netizens imbyerna sa pagiging malaswa ng ‘Wish Ko Lang’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT