Isang bagong silang na sanggol ang na-rescue sa bakanteng lote sa tapat ng National City High School sa Brgy. Pampang sa Angeles City.

Ni-report umano ng isang concerned citizen sa mga awtoridad ang natagpuan nitong sanggol na babae.

Mabilis naman na sumaklolo ang Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO) at idinala ang sanggol sa Ospital Ning Angeles.

Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang mahanap ang nag-iwan ng sanggol.

(CS)

The post Bagong silang na sanggol, iniwan sa bakanteng lote sa Angeles first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT