Mapayapang namatay sa kanyang pagtulog kagabi, Pebrero 4, ang ultra bilyonaryo na si Roberto “Bobby” V. Ongpin.
Ayon sa report ng Bilyonaryo, pumanaw si Ongpin sa edad na 86 sa pag-aaring paradise island resort sa Quezon province.
Ang mga labi ni Ongpin ay dadalhin mula sa Balesin Island resort patungong Maynila, ayon sa kanyang pamangkin, negosyante at mamamahayag na si Apa Ongpin.
Ang Harvard-trained na si Ongpin, na ang yaman ay umabot sa $1.7 bilyon noong 2020, ay nagtapos sa Ateneo de Manila University (cum laude) at Harvard University.
Sandaling nagtrabaho si Ongpin sa opisina ng Procter & Gamble sa Manila bago sumali sa Sycip Gorres & Velayo bilang isa sa pinakabata mula 1964 hanggang 1979.
Naglingkod siya bilang pinakabatang Trade and Industry minister sa bansa sa edad na 42 sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Tinulungan ni Ongpin si Marcos na patnubayan ang ekonomiya ng Pilipinas sa pinakamadilim nitong mga taon mula 1979 hanggang 1986, kabilang ang pagtatatag ng parallel foreign exchange market na tinawag na “Binondo Central Bank” na nagpatatag sa foreign exchange market.
Pumasok si Ongpin sa pribadong negosyo pagkatapos ng pagbagsak ng administrasyong Marcos.
Kasama ang kanyang kapwa Binondo Central Banker, ang yumaong si Benito Tan Goat, ama ng bilyonaryo na si Willy Ocier, si Ongpin ay bumuo ng Belle Corp. na nagpaunlad sa Tagaytay Highlands.
Kalaunan ay nagsolo si Ongpin at binuo ang Alphaland na nagtayo ng Balesin, ang City Club sa Makati, at ang Mountain Lodges sa Baguio. Siya rin ang may-ari ng Atok Big Wedge at founder ng Philweb.
Kabilang siya sa board ng San Miguel Corp., Petron Corp., Philex Mining, Philippine Airlines, South China Morning Post, AIA Capital, at Shangri-La Asia Hong Kong.
May apat siyang anak na iba-iba ang ina – sina Stephen at Anna (sa asawang Italian-Chilean na si Monica Arellano Ongpin); Michelle (sa nakarelasyong German) at Julian (sa nakarelasyong Australian). (IS)
The post Bilyonaryong si Bobby Ongpin pumanaw na first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento